Pusong umiibig,
Nadarama'y di masabi ng bibig.
Kapos man sa salita,
Narito at sumusulat ng tula.
Di akalain
Na dito dadalhin,
Nang pusong walang alam
At di sanay makiramdam.
Una'y 'di ka pinakinggan,
Pagka't inakalang walang pupuntahan.
Sa mga salitang kay tamis,
Puso'y nahulog na kay bilis.
At hindi nagsisisi
Sapagkat ang araw't buwan ang saksi.
Kung panong hinagkan
Pusong walang kalabanlaban.
Oh, ligayang dulot nito,
Sana'y huwag ng huminto.
Pagibig na nabuo,
Nakumpleto ang mundo.
Ano pang masasabi
Kung palaging nasa iyong tabi.
Dahil ikaw ay sapat,
Parang nasa akin na ang lahat.
Thursday, March 17, 2016
Dahil Ikaw Ay Sapat
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment